Pinatay ng mga Elite Forces of the Somali National Army (SNA) ang 29 na militante ng Al-Shabab sa Bariire, Somalia.
Ayon sa SNA, napigilan ng elite forces ang isang tangkang pag-atake ng mga militante sa base militar sa Barire, isang bayan sa timog ng Mogadishu.
Dadag pa ng SNA, isang sundalo ang namatay habang tatlo pa ang sugatan sa operasyon.
Naging mas agresibo ang pag-atake ng militanteng grupo sa mga base militar ng SNA at African Union bunsod ng pagdaraos ng halalan sa Horn, Africa. —sa panulat ni Kim Gomez