Patay ang 29 na miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa panibagong air strike na inilunsad ng US sa Afghanistan.
Ayon kay Ataullah Khogyani, Spokesman ni Governor. Col. Michael Lawhorn ng Nangarhar Province, pinasabog din ng US ang FM radio station ng teroristang grupo.
Tumanggi namang magbigay si Nangarhar ng karagdagan pang detalye sa naganap na pag-atake.
By Mariboy Ysibido