Sumuko sa mga awtoridad ang 29 na miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa mga pulis at 34th Infantry Battalion Philippine Army na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Edgardo Vichez Jr., sumuko ang mga rebeldeng grupo dahil sa panloloko ng makakaliwang grupo at hindi umano natupad ng kanilang lider ang mga pangako sa kanila.
Bukod pa dito, inabot lang umano sila ng kagutuman at nais na nilang makapamuhay ng mapayapa.
Kasabay nito, isinuko din ng mga NPA ang matataas na uri ng mga armas, pampasabog, mga bala, magasin at mga mahahalagang dokumento.
Dahil dito, nakatanggap ng bigas at cash assistance mula sa LGU-Libungan Cotabato ang mga sumukong rebelde na kasalukuyang isinailalim sa custodial debriefing bilang bahagi ng proseso na sila’y mapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-clip) ng National Government. —sa panulat ni Angelica Doctolero