Arestado ng mga otoridad ang 29 na foreign nationals na sangkot sa illegal POGO activities sa isang resort sa Silang, Cavite.
Ginawa ang operasyon matapos ang reklamo ng may-ari ng Elijosh Resort kaugnay sa kahina-hinalang aktibidad sa kanyang establisyemento.
Ayon sa resort owner, karamihan sa mga kustomer nila ay Chinese at pumapasok sa resort na may dalang gamit pangsugal, kabilang na ang mga computer at laptop.
Nalambat sa raid ang 23 Chinese at 6 na Myanmar nationals, na kapwa mga nagta-trabaho sa undeground POGO operation.
Nahuli ang mga suspek matapos maglabas ng mission order ang Bureau of Immigration, na siya ring nangangasiwa sa deportation proceedings. – Sa panulat ni Laica Cuevas