Umabot sa 29 na paaralan ang umatras sa nakatakdang pilot implementation ng face-to-face classes sa mga low risk areas sa Nobyembre 15.
Ito ang inamin ng Department of Education makaraang hindi pumayag ang mga local government unit na nakasasakop at mga magulang na isali ang kanilang mga anak sa pilot test ng limited ng face to face classes.
Ayon kay DEPED Director Malcolm Garma, 30 sa 59 na mga paaralan na lamang ang sasali sa face-to-face classes.
Isa pa anyang dahilan ang tumataas na kaso ng COVID-19 sa ilang lugar kung saan sana isasagawa ang mga nasabing klase.
Una nang inirekomenda ng DEPED Regional Offices ang 635 paaralan sa pilot run pero 59 lamang ang inaprubahan ng Department Of Health.—sa panulat ni Drew Nacino