Nakatakas ang 29 na mga preso sa isang istasyon ng pulis sa Barangay Walled City sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana, isinagawa ang pagtakas ng mga naturang preso dakong alas 10:40 ng umaga ng Sabado nang iwan ng naka duty na jail guard ang kaniyang pwesto.
Agad naman umanong nahuli ng iba pang mga pulis na naka duty nang oras na iyon ang 17 preso.
Samantala, nagpapatuloy ang isinasagawang manhunt operations para sa ikadarakip ng 12 pang presong nakatakas.
Nabatid na ang 11 preso ay nasasangkot sa iligal na droga.
Kinilala ang mga ito na sina Nurhussan Taasan, Junal Sali, Al-Amil Kipli, Dante Abdulla, Muthamir Pangambayan, Radzmir Salahuddin, alim MISAH, Abdulwahid Lipae, Alvin Hamdi, Algamer Bantala at Khan Balang.
Habang ang isa ay may kasong physical injury na tinukoy na si Herbert Bael.
Posted by: Robert Eugenio