Pumalo na sa 29 ang bilang ng mga nasawi, kabilang na rito ang anim na bata, tinatayang nasa 253 ang sugatan matapos ang bakbakan ng Israel at Gaza.
Target ng Israel na pabagsakin ang dalawang gusaling pinaniniwalaang weapon store na pag-aari ng Islamic Jihad, na isang militanteng grupo.
Nagpakawala naman ng sunod-sunod na rocket attacks ang Palestinian Militant groups laban sa Israel.
Dahil dito, napilitang magsilikas ang mga apektadong sibilyan sa pagitan ng dalawang naggigiriang bansa. - sa panulat ni Hannah Oledan