Nakapagtala ang Pilipinas ng panibagong 29 kaso ng Omicron variant ng COVID-19.
Para ito sa kabuuang 43 kaso ng Omicron variant sa bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), 10 rito ay Returning Overseas Filipinos (ROFS) habang 19 ay lokal na kaso na may address sa National Capital Region (NCR).
15 naman sa kaso ay aktibo, tatlo ang nakarekober at dalawa ang bineberipika pa.
Nitong January 2 ang latest run ng kaso kung saan 48 samples ang nasuri.
Maliban sa Omicron variant, nakapagtala rin ang DOH ng 18 karagdagang kaso ng Delta variant sa bansa.
Para ito sa kabuuang 8,497 kaso kung saan walo ay ROFS at 19 ang local cases.
Patuloy naman ang paghikayat ng DOH sa lahat ng magpabakuna upang maiwasan ang pagkahawa sa mga bagong variant ng COVID-19. —sa panulat ni Abby Malanday