29 na katao ang patay habang 14 pa ang nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa Nigeria.
Ayon sa isang opisyal ng lugar, pawang mga estudyante ang sakay ng bangka ng lumubog ito sa Kano State sa hilagang bahagi ng Nigeria.
Lulan ng bangka ang 50 mag-aaral na may edad 18 taong gulang pababa sa Watari dam.
Sa nasabing bilang ng mga namatay, 21 dito ay mga babae habang ang walo naman ay mga lalaki.
Ang mga nasabing biktima ay patungo sana sa Tofa local government area para sa gaganaping maulud celebration.
Samantala, dinala naman sa malapit na pagamutan ang mga nakaligtas na biktima sa nangyaring insidente.