Umabot sa 29 ang bilang ng mga nasawi kabilang na ang 9 na Militar at 20 Sibilyan matapos ang pag-atake ng mga Militanteng grupo sa 2 kampo ng mga Militar sa South Western Province ng Pakistan.
Ayon sa mga otoridad, 6 pang Security Forces ang isinugod sa ospital dahil sa bakbakan at Follow-up operation ng mga Militar.
Sa isang Twitter post, inako ng Baluchistan Nationalist Army ang responsibilidad sa mga pag-atake.
Patuloy pang iniimbestigahanng mga tauhan ng Security Forces ang pangyayari kung saan, apat na militante na ang naaresto habang patuloy pang tinutugis ang iba pang mga suspek na tumakas matapos ang krimen. —sa panulat ni Angelica Doctolero