Dalawampu’t siyam (29) na Pinay na biktima ng human trafficking ang nasagip ng mga awtoridad sa dalawang bar sa Bintulu sa Sarawak, Borneo, Malaysia.
Ayon sa Philippine Embassy, ang mga nasabing Pinay ay dinala sa Sarawak bilang turista at pinangakuan ng trabaho matapos i-convert sa work visa ang kanilang social visit pass kapalit ng pera.
Na-rescue ang mga Pinay sa republic at kiss kiss discovery pubs noong June 9 matapos makatanggap ng report ang Philippine Embassy hinggil sa mga biktimang Pinay sa lugar.
Inaresto naman sa raid ang tatlong Pinoy na nagsisilbing ahente at caretaker ng mga kababaihan na inilipat na sa women’s shelter home sa Kota Kinabalu.
By Judith Larino