Kinumpirma ng NAPOLCOM o National Police Commission ang special promotion sa 29 na police officers dahil sa pagtatanggol sa bayan sa kasagsagan ng Marawi siege noong 2017.
Inanunsyo ito ni NAPOLCOM Vice Chairman at Executive Officer Rogelio Casurao matapos aprubahan ng Commission En Banc ang dalawang hiwalay na resolusyon na nagbibigay ng special promotion sa mga nasabing pulis.
Dahil sa kabayanihan ng mga nasabing pulis, napalaya ang Marawi City mula sa kamay ng mga teroristang Maute at Abu Sayyaf Leader Isnilon Hapilon matapos ang limang buwan.
Dahil sa naturang promotion, nasa 906 nang pulis ang nabigyan ng promotion ng NAPOLCOM para sa kanilang naging papel sa usapin ng Marawi siege.