Mayo a-bente tres taong dos mil disi siete…
Binulabog ng karahasan ang tahimik na lungsod ng Marawi….
Sinalakay ng mga terorista ang bawat gusali…..
Sinunog ang mga paaralan, simbahan at mga kabahayan…
Binarikadahan ang mga kalsada…
Binihag ang mga sibilyan….
Dahilan upang isailalim sa batas militar ang buong Mindanao…
Tumindi ang bakbakan…
Dumanak ang maraming dugo….
Nawasak ang lungsod…..
Matapos ang halos limang buwang bakbakan…. tuluyang nabawi ang Marawi sa kamay ng mga terorista…
Makalipas ang isang taon…. Kumusta na ang mga biktima ng Marawi siege?
Tulong ng pamahalaan, ramdam nga ba ng mga taga-Marawi?
Kamustahin natin ang isang taong pagbangon ng Marawi….
PAKINGGAN:
Unang Bahagi ng Siyasat
Ikalawang Bahagi ng Siyasat
Isang taon na ang lumipas magmula nang sakupin ng takot at pagdurusa ang Marawi City.
Para sa mga biktima, hindi basta basta ang salitang “pagbangon” lalo’t hindi biro ang iniwang pinsala ng terorismo.
Sa kabila nito, hindi pa rin nawawala ang pag-asa ng mga Maranao na isang araw ay muli silang makatitindig kasabay ng pagtatayo ng mga gusaling pinabagsak ng digmaan.
Ngunit maliban sa pag-asa…kailangan ngayon ng mga taga-marawi ang patuloy na pag-alalay ng pamahalaan.
Sa kasalukuyang sitwasyon… malinaw na hindi tumutugma ang idinadaing ng mga mismong biktima ng Marawi siege sa iniuulat naman ng pamahalaan sa publiko.
Anumang suliranin ay mahihirapang solusyunan kung hindi natin tatanggapin ang katotohanang mayroong problema.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang laban ng mga taga-Marawi…. Laban para sa kanilang kabuhayan at kinabukasan.
Photo Credit AFP