Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 297 nahawa sa COVID-19 kahapon.
Batay sa huling datos, tumaas ang bilang ng aktibong kaso na nasa 2, 805 mula sa 2, 697 noong Biyernes.
Ang mga rehiyong nanguna sa nakapagtala ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR na may 1, 352; CALABARZON, 385; Central Luzon, 233; Western Visayas, 177; at Central Visayas, 108.
Nananatili naman sa 60, 461 ang bilang ng nasawi at 3, 629, 648 ang gumaling sa COVID-19.
Sa kabuuan, umabot na sa 3, 692, 914 ang COVID-19 cases sa bansa.