Opisyal nang nagsimula ang 29th Southeast Asian Games sa Malaysia.
Umarangkada ang opening ceremony sa pamamagitan ng engrandeng light show sa national stadium sa Kuala Lumpur Sports City.
Halos limanlibong atleta mula sa labing-isang bansa ang kalahok sa nabanggit na regional sports event.
Dumalo sa aktibidad si Malaysian prime minister Datuk Seri Najib Tun Razak at asawang si Datin Seri Rosmah Mansor at youth and sports minister Khairy Jamaluddin.
Nakataya sa SEA games ang apatnaraang gintong medalya sa tatlumpu’t walong sports kabilang ang ice skating, ice hockey, indoor hockey at cricket na isasagawa sa kauna-unang pagkakataon.
Bago pa man lumarga ang opening ceremony, sumungkit na ng ginto ang Pilipinas sa marathon na iniambag ni Mary Joy Tabal habang mayroon na ring isang silver at dalawang bronze ang Philippine delegates o nasa apat na ginto na ang nakolekta ng mga Pinoy.