Pormal nang nagtapos ang 29th Southeast Asian o SEA Games na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Pinangunahan ng mga atleta ng Malaysia ang “Parade of Athletes”.
Tinanghal ang Malaysia na kampeon ngayong taon sa SEA Games na humakot ng kabuuang 323 medals na kinabibilangan ng 145 gold medals, 92 silvers at 86 bronze medals.
Sinundan ito ng Thailand, Vietnam, Singapore, Indonesia, Pilipinas bilang pang-anim muli, Myanmar, Cambodia, Laos, Brunei at East Timor.
Bigo naman ang Pilipinas na mapantayan man lang ang 29 gold medals noong 2015 at ang target sana ngayong 50 gold medals.
Bilang hudyat din nang pagsasara ng tabing, pormal na ring itiurn-over ng Malaysia ang pag-host ng 30th edition ng SEA Games sa Pilipinas sa taong 2019.
By Meann Tanbio
SMW: RPE