Muling nakasungkit ang Pilipinas ng parangal sa 29th World Travel Award Grand Finals sa Muscat, Oman.
Hinirang ang Pilipinas bilang World’s Best Beach Destination dahil sa mga white sand beach sa Boracay, Aklan at El Nido, Palawan.
Itinanghal din ang Pilipinas bilang World’s Best Dive Destination.
Nagpasalamat naman si Tourism Secretary Christina Frasco sa pagkilala ng naturang travel award-giving body sa mga tourist destination sa Pilipinas.
Samantala, nagwagi rin ang Amanpulo bilang World’s Best Diving Resort habang ang Resorts World Manila, bilang World’s Leading Casino Resort at World’s Leading Tourist Attraction ang Intramuros. —sa panulat ni Jenn Patrolla