Tiniyak ng Bureau of Customs (BOC) na maihahatid na ang mga nalalabing abandonadong balikbayan box sa isang warehouse sa Bulacan bago mag-Pasko.
Ayon kay BOC spokesman Arnaldo Dela Torre Jr., sisimulan na nila ngayong linggo ang libreng delivery ng balikbayan box sa mga probinsya.
Tinatayang 2,000 balikbayan boxes pa anya ang natitira sa kanilang warehouse sa Balagtas.
Nagpapatuloy naman ang pagkuha ng mga recipient ng mga package sa naturang warehouse.
Kailangan lamang magdala ng Authorization Letter, valid ID at kopya ng passport ng nagpadala kung nais itong personal na kunin ang package.
Pawang nagmula sa Middle East ang mga balikbayan box na sinasabing inabandona ng foreign courier services.