Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW), na umabot na sa 2,000 aplikante ang naapektuhan matapos ipatupad ang bagong batas kahapon.
Ayon kay DMW Sec. Susan Ople, dapat na maging malinaw ang naturang panukala kung saan kasama sa probisyon na dapat 24 yrs old ang minimum age na maaaring marecruit bilang domestic workers.
Sinabi ni Ople na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice para linawin ang implementasyon ng Republic Act no. 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022.
Nabatid na naglabas na rin ng advisory ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsasabing iligal ang paghire ng 23 yrs old pababa para maging domestic worker abroad.
Samantala, nilinaw naman ni Ople na bago paman ipatupad ang naturang batas, may mga ofws ang mayroon nang hawak na Overseas Employment Certificate.
Sa ngayon, patuloy pang nakikipag-ugnayan ang DMW kaugnay sa nasabing isyu.