Malayo pang matapos ang Covid-19 pandemic sa bansa.
Ito, ayon kay Dr. Jomar Rabajante ng U.P. COVID-19 pandemic response team, ay dahil inaasahang mananatili sa 2,000 ang cases kada araw hanggang katapusan ng taon.
Gayunman, nilinaw ni Rabajante na kaya ng pamahalaan ang Healthcare Utilization kahit mataas ang naitatalang arawang kaso sa bansa.
Umapela naman si Rabajante sa gobyerno na suriing mabuti ang mga pagluluwag sa restriksyon lalo na ang paglabas-masok ng mga dayuhan at Pilipino sa bansa kasabay ng panawagan sa publiko na patuloy na magsuot ng face mask.