Mahigit 2,000 bisikleta ang ipamamahagi ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga economic frontliners na makakakumpleto ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ito’y sa ilalim ng programang “baksikleta” para sa mga ‘economic frontliners’ o ang mga nasa A4 category.
Ayon kay Labor Secretray Silvestre Bello III, isa itong paraan upang mahikayat ang mga manggagawa na ituloy-tuloy ang pagbabakuna at hikayatin maging ang kanilang mga kasamahan.
Ilalaan ang mahigit 1,000 bisikleta sa National Capital Region (NCR).
Bukod dito, magbibigay rin ng libreng android phone na may 5,000 load para magamit ng mapipiling manggagawa sa pagtatayo ng maliit na negosyo.
Aniya, kasama rin sa package na ibibigay ang bike helmet, kapote, water bottle at thermal bag.