Inaasahang 2,000 bus units ang babiyahe kada araw upang maserbisyuhan ang nasa 100,000 pasahero ngayong Undas.
Tiniyak naman ni Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) manager Aisa Yusop ang mahigpit na seguridad sa mga terminal upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Maliban sa pagbisita sa mga yumaong kamag-anak, inaasahan din ang pagdami ng turista dahil sa long holidays.
Paalala naman ng opisyal na iwasan ang pagdadala ng matatalim na bagay, mga endangered na pananim at hayop at iligal na droga.
Maliban sa Task Force Davao personnel, aatasan din ng Alkalde ang mga Police Personnel sa lugar para sa police visibility at maging Police Help Desk para sa mga bibiyahe. —sa panulat ni Hannah Oledan