Dumating na ang 2,000 baboy sa Pier 18 sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa Department of Agriculture (DA) galing ang mga buhay na baboy sa Banga, South Cotabato na dinala sa Quezon City para duon katayin.
Sinabi ni Agriculture Asst. Sec. Arnel De Mesa, ipakakalat ang mga kinatay na baboy na ito sa Metro Manila.
Sa ngayon aniya ay binabalanse nila ang pinagkukunan ng baboy para matiyak na sapat ang pangangailangan sa Metro Manila.
Samantala ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang hakbang na ito ay bahagi ng ginagawang paraan ng pamahalaan para maibsan ang kakulangan ng baboy sa kalakhang Maynila at kasabay ang pagbaba ng presyo nito.