Lusot na sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang dagdagan ng P2,000 piso ang buwanang pensyon ng SSS o Social Security System.
Nakasaad sa House Bill 5842 na magiging 3,200 pesos na mula sa dating 1,200 pesos na buwanang pensyon ng mga miyembro ng SSS na nag-retiro ng may 10 taong credited service.
Para naman sa SSS pensioners na may 20 taong credited service, tataas na sa P4,400 pesos mula sa dating P2,400 ang matatanggap nila buwan-buwan.
Binigyang diin ni Bayan Muna Partylist Representative Neri Colmenares, pangunahing may akda ng panukala na layon nitong makatugon ang SSS pension sa mga pangunahing pangangailangan ng mga pensioner na karamihan ay senior citizens.
By Judith Larino