Aabot sa 2,000 Overseas Filipino Workers (OFWS) ang humiling sa Department of Migrant Workers (DMW) na makabalik na ng Pilipinas.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, nakarating sakaniya ang nais ng mga OFW na makauwi na ng bansa sa tulong narin ng one repatriation command center kung saan, pinakamaraming humiling ang mga household service wokers sa Middle East.
Sinabi ni Ople na kabilang sa ibat-ibang dahilan ng mga OFW ay ang paglabag sa kanilang kontrata, hindi maayos na pagpapasuweldo, may mga sakit, habang ang iba naman ay inaabuso ng kanilang employer.
Matatandaang itinayo ang one repatriation command center upang maging takbuhan ng mga pamilya ng mga inaabusong OFWS.