Siniguro ni Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo ang seguridad sa mga pantalan sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa susunod na dalawang linggo.
Makabubuti aniyang maglaan ang mga pasahero ng tatlong oras para maiwasan ang pagmamadali sa pagdaan sa mga security procedure.
Sinabi ni Balilo na maliban sa profiling ng mga kawani, mayroon din silang K-9 units na una nang sinanay para matuklasan kung mayroong bomba o kaya droga ang mga kargamento.
Nakiusap din si Balilo sa publiko na agad ipaalam sa mga sea marshal ang ano mang kahina-hinalang bagay o galaw ng mga tao.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo
Passenger safety
Pinaalalahanan ni Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo ang shipping lines na gawing prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero, lalo na sa inaasahan ang pagdagsa ng mga ito ngayong Semana Santa.
Binigyang diin ni Balilo na mariing ipinagbabawal at lubhang mapanganib ang pagsasakay ng labis sa kapasidad ng barko.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo
Sa kanilang pagtaya, maaari aniyang umabot sa mahigit dalawang (2) milyong pasahero ang magbibiyahe sa susunod na dalawang linggo, dahil maliban sa Semana Santa ay nakabakasyon na rin ang mga paaralan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Philippine Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo
By Katrina Valle | Sapol (Interview)