Wala pa ring rekomendasyon ang mga ekperto kung maaari nang magturok ng ikalawang booster para sa general population.
Ito ang paglilinaw ng Department of Health (DOH) kasunod ng magkakasunod na apela ng ilang local officials na simulan na ang pagtuturok ng 2nd booster sa bansa.
Ayon kay Maria Rosario Vergeire, Officer-in-charge ng DOH, hanggang ngayon ay wala pa ring ebidensiya na may benepisyong hatid ang ikawalang booster sa general population at wala pang go signal dito.
Dahil dito, ipinaalala ng DOH sa mga lokal na pamahalaan na mag-ingat sa pagtuturok ng ikalawang booster.
Mas makabubuti kasi anilang suriin muna kung kwalipikado ang bibigyan nito.
Matatandaang batay sa guidelines ng DOH, tanging ang mga mayroong commorbidities, edad singkwenta pataas at mga health worker ang kwalipikado sa ikalawang booster shot laban sa COVID-19.