Hindi pa inirerekomenda sa mas batang populasyon o general population ang pangalawang booster shot.
Ayon kay Infectious Disease Expert, Dr. Rontgene Solante, sa ngayon ay inirerekomenda nila ang pagbibigay ng second booster shot sa mga senior citizen at immunocompromised individuals, upang maprotektahan ang mga ito laban sa severe form ng COVID-19.
Aniya, ipinapayo ng mga Health Expert sa mga nakakumpleto na ng primary vaccine series na magpaturok ng isang booster shot pagkatapos ng tatlo hanggang anim na buwan.
Batay sa national COVID-19 vaccination dashboard ng Department of Health (DOH) hanggang nitong Pebrero a-28, nasa 10.2 milyong Pilipino ang nakatanggap na ng booster shot.