Wala pa ring guidelines ang Department of Health (DOH) kaugnay sa vaccination program gamit ang bivalent vaccines.
Ito ang sinabi ni Iloilo Representative Janette Garin, isang buwan bago dumating sa bansa ang second-generation Covid-19 vaccines.
Ayon kay Garin, hindi pa rin naglalabas ng highlight drive ang DOH para sa impormasyon kung ang pangalawang booster ay kinakailangan para makuha ang bivalent shot.
Nabatid na hindi gaya ng Sar-Cov-2 vaccine na unang binuo, mas epektibo ang bivalent vaccines laban sa bagong Omicron variant na kumakalat sa buong mundo.