Kasado na ngayong araw ang ikalawang cabinet meeting ng marcos administration sa Malacañang.
Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), dadalo sa pagpupulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pamamagitan ng teleconferencing.
Inaasahang tatalakayin ng miyembro ng mga gabinete ang pagpapataas ng bilang ng fully vaccinated individuals laban sa COVID-19; problema sa mataas na presyo ng langis; pagbabalik ng face-to-face classes ng mga mag-aaral; planong libreng-sakay sa mga mag-aaral; at seguridad ng pagkain sa bansa.
Sa ngayon, wala pang itinakdang oras ang cabinet meeting ni PBBM na isasagawa mamaya.