Hindi gaanong makatutulong ang 2nd dose ng COVID-19 booster sa general population dahil sa kakulangan ng benepisyo nito.
Ayon kay Department of health Technical Adviser Group Dr. Edsel Salvaña, mas maganda na hintayin na lamang ang bagong formulation ng mga bakuna kung saan kasama na Omicron variant sa target nito na i-prevent.
Base kasi aniya sa preliminary data sa general population, kaunti lamang ang makukuhang benepisyo sa pagpapaturok ng ikalawang booster shot kumpara sa mga immunocompromised o may sakit na indibidwal at senior citizens.
Binigyang-diin naman ni Salvaña na dapat tuunan ng pansin ng pamahalaan ang pagbibigay ng first booster sa mga fully vaccinated o nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna.