Tutol pa rin ang Department of Health (DOH) na ibigay ang ikalawang Covid-19 booster shots sa “general population” kahit nasira na ang nasa 31 million doses ng bakuna na nagkakahalaga ng P15.6B.
Ayon kay DOH Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, hindi pa ito inirerekomenda sa general population dahil kakailanganin muna nilang makasiguro na ang ikalawang booster ay para pa rin sa mga priority groups na kinabibilangan ng mga healthcare workers, senior citizens at may comorbidities.
Tuloy pa rin anya ang kanilang pagsasagawa ng regular interventions sa mga estratehiya para tumaas ang bilang ng nagpapabakuna.
Sinabi naman ni Vergeire na nakatakda silang magsagawa ng Bakunahang Bayan sa December 5 hanggang 7 na tututok sa mga batang edad 5 hanggang 11. —sa panulat ni Hannah Oledan