Ginunita ng Philippine National Police ang ikalawang anibersaryo ng Mamasapano Tragedy kung saan namatay ang 44 na miyembro ng PNP Special Action Force.
Sa isinagawang “commemorative ride for the heroes” kaninang umaga sa SAF headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, kabilang sa mahigit isang libong nagbisekleta ang ilang pamilya ng mga napaslang na SAF 44.
Matatandaang sa joint committee report, tinukoy si dating Pangulong Noynoy Aquino na siyang may pinakamalaking pananagutan sa madugong engkwentro noong Enero 25, 2015.
By: Avee Devierte