Binigyang-diin ng Pilipinas na hindi na gagamit ng 2nd hand military equipment ang bansa na donasyon mula sa Estados Unidos.
Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, hindi na interesado ang pilipinas na tumanggap ng mga kagamitan mula sa amerika dahil karamihan dito ay nagagamit lamang ng ilang taon.
Matatandaang taong 2017 nang ihayag ni dating pangulong rodrigo duterte, na hindi na tatanggap ang bansa ng nasabing equipment na tinatawag na excess defense articles.
Sinabi ni Ambassador Romualdez, na sa halip na equipment, magbibigay na lamang ng access ang us sa bansa upang makabili ng mga bagong defense military equipment.