Nakatakda nang isumite ng Department of Finance o DOF sa Kamara ang ikalawang package ng comprehensive tax refom program ng administrasyon ngayong buwan.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, layon nitong bawasan ang corporate income tax sa mga kumpaniya sa 25 mula sa dating 30 porsyento.
Magugunitang Oktubre sana noong nakalipas na taon balak isumite ng Finance Department ang package two ng tax reform program subalit hindi ito natuloy dahil kanilang tinutukan ang package one ng programa.
Maliban sa pagbabawas ng personal income tax sa mga manggagawa, kabilang din sa mga inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ang pagpapalawak sa saklaw ng value added tax o VAT sa mga produkto.
—-