Sinimulan na ang second phase ng testing sa bakuna laban sa zika virus sa Estados Unidos.
Ayon kay Doctor Anthony Fauci, Director ng National Institutes of Allergy and Infectious Diseases, naibigay na ang isang daang (100) milyong dolyar na pondo para sa pagpapatuloy ng pagsusuri sa nasabing bakuna.
Aniya, sa ikalawang phase ng test ay kanilang susuriin ang bisa nito.
Kanilang pag-aaralan kung ang nasabing vaccine ay may kakayanan na mapasigla ang immune system para makabuo ng antibodies laban sa zika at aalamin kung mapipigilan nito ang pagkalat ng infection.
Inaasahang maipapalabas ang preliminary result ng nasabing trial bago matapos ang taon.
Ang zika ay virus na dala ng babaeng lamok na aedes aegypti, ang parehong lamok na nagdudulot ng dengue at maaari ring makahawa sa pamamagitan ng pakikipagtalik.
Ito ay maaaring magresulta ng microcephaly at guillain barre syndrome sa mga sanggol na ipinagbubuntis.
By Krista de Dios