Kasado na bukas ang second quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Pangungunahan ito ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at ng Department of National Defense.
Sisimulan ang programa ganap na alas-8 ng umaga na mapapanood ng live sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.
Ganap ding alas-9 isasagawa ang “Ceremonial Pressing of the Button” na hudyat upang isagawa ang “Duck Cover and Hold move” ng mga participant sa kani-kanilang kinaroroonan.
Inaanyayahan naman ang lahat na lumahok upang maging handa sa anumang oras laban sa banta ng lindol at iba pang panganib.