Namemeligro pang madagdagan ang singil ng Meralco sa mga susunod na buwan makaraang magtapos kahapon ang kanilang emergency power supply agreement (EPSA) sa isa sa mga planta ng gnpower dinginin limited ng aboitiz.
Dahil dito, huhugot na ang nasabing power distributor ng 670 megawatts mula sa mas mahal na wholesale electricity spot market (WESM) simula ngayong araw na posibleng mag-reflect February o March billing period.
Una nang hiniling ng Meralco sa GNpower na palawigin ang kanilang epsa subalit wala umanong naging tugon ang nasabing subsidiary ng Aboitiz power.
Sa ilalim ng EPSA, kukunin ang 300 megawatt power sa planta ng GNpower sa Mariveles, Bataan na may fixed price na P5.95 per kilowatt hour.
Bukod sa nagtapos na kontrata, magkakaroon naman ng maintenance shutdown ang Malampaya gas production platform simula Pebrero a –4 hanggang a – 18.
Ang Malampaya ang nagsusupply ng natural gas sa mga plantang pinagkukunan ng kuryente ng Meralco kaya’t asahan na ang mas mataas na bill sa Marso kung kailan inaasahang magsisimula ang tag-init.
Gagamit muna ang mga planta ng mas mahal na imported fuel at dahil dito ay magiging P9.04 per kilowatt hour na ang magiging singil ng Santa Rita at San Lorenzo power plants sa Meralco kumpara sa kasalukuyang mahigit P4 lamang.