Tututukan ng pamahalaan ang 2nd round ng national vaccination drive sa limang rehiyon na may mababang vaccination rate status.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang dito ang mga lugar na nasa Region 3, Region 4a, Region 6, 7 at BARMM.
Paliwanag ni Vergeire, malaki anya ang populasyon sa mga nasabing lugar kaya hanggang ngayon ay mababa pa rin ang nababakunahan sa kanila.
Nakatakda namang isagawa ang ikalawang bahagi ng ‘Bayanihan, Bakunahan’ sa bansa sa darating na December 15 hanggang 17.