Muling inilarga ng Korte Suprema ang ikalawang bahagi ng oral arguments kaugnay naman sa disqualification case laban kay Senadora Grace Poe.
Ipinagpatuloy ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang kaniyang period of interpellation kay Atty. Alex Poblador, abogado ni Poe.
Sunod namang haharapin ng mga mahistrado ang Commission on Elections, ang mga petitioner tulad nila Atty. Estrella Elamparo, dating Senador Kit Tatad na kakatawanin ni Atty. Manuelito Luna.
Gayundin ang political analyst na si Prof. Antonio Contreras at dating Law School Dean Amado Valdez at panghuli si Solicitor General Florin Hilbay.
By Jaymark Dagala