Sinimulan na ang oral arguments para talakayin ang merito ng kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China sa Arbitral Tribunal of the Permanent Court of Arbitration sa The Hague Netherlands o PCA.
Ito na ang ikalawang round sa International Tribunal makaraang makakuha ng paborableng desisyon ang Pilipinas at maideklarang may hurisdiksyon sa kaso ang PCA.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang oral arguments ay magtatagal hanggang sa katapusan ng Nobyembre.
Umaabot sa 48 ang delegasyon ng Pilipinas sa pagdinig sa pangunguna ni DFA Secretary Albert del Rosario, Solicitor General Florin Hilbay, Supreme Court Associate Justice Francis Jardeleza, Political Affairs Secretary Ronald Llamas, SC Associate Justice Antonio Carpio, Cong. Rodolfo Biazon at Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra.
Una nang sinabi ng DFA na kumpiyansa sila sa lakas ng kanilang mga ebidensya at argumento laban sa China.
By Len Aguirre