Nagtapos na ang ikalawang round ng peace negotiations ng gobyerno ng Pilipinas at NDF-CPP-NPA.
Nagkasundo ang dalawang panig sa common frameworks at outlines ng tatlong nalalabing substantive agenda na bubuo sa final peace agreement.
Kabilang sa common frameworks at outlines na naselyuhan matapos ang marathon sessions ng reciprocal working committee at reciprocal working groups ng GRP at NDF ang socio-economic reforms at political and constitutional reforms.
Isusumite naman ang mga report ng RWC at RWG sa negotiating panels ng dalawang panig.
By Drew Nacino
Photo Credit: OPAPP