Naka-umang ang isa pang dagdag-singil ng Meralco bago matapos ang Enero kung hindi palalawigin ang emergency Power Supply Agreement (EPSA) sa Aboitiz Power Coporation.
Inihayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na habol nila ang sapat na supply ng kuryente at matiyak na mababa ang presyo nito.
Gumagawa na anya sila ng mga hakbang upang masigurong magkakaroon ng extension ang kontrata.
Halos P6 kada kilowatt hour ang presyo ng GN Power Dinginin Plant ng Aboitiz pero kung sa spot market kukuha ang Meralco ay aabot nang hanggang P10 ang kada kilowatt hour.
Sa kabila nito, inihayag ni Meralco First Vice President Jose Ronald Valles na inabisuhan na siya ng Aboitiz na posible pang paliwigin ang EPSA na nakatakdang mapaso sa susunod na Linggo o Enero a – 25.
Bagaman “verbal” pa lamang ang abiso ng Aboitiz, aminado si Valles na hindi pa nila matiyak kung ano ang magiging capacity offer na maaaring 300 megawatts o mas mababa pa.