Matatanggap na ng mga kawani ng gobyerno ang ikalawang bahagi ng kanilang year-end bonus.
Ayon kay Budget Secretary Florencio Butch Abad, katumbas ito ng isang buwang suweldo ng mga manggagawa at may kaakibat pang P5,000 cash gift na una nang ipinangako ng pamahalaan.
Ilalabas ng DBM ang ikalawang bahagi ng year-end bonus ng mga kawani ng gobyerno sa ika-15 ng buwang kasalukuyan na nakapaloob sa mahigit P20 bilyong pisong pondo ng gobyerno na inilaan para rito.
Kabilang sa mga makatatanggap ng bonus ang lahat ng mga national government officials, regular na empleyado, temporary, casual o contractual, part-time o full time na nagtatrabaho sa gobyero ng hindi bababa sa apat na buwan sa pagitan ng Enero hanggang Oktubre ng taong ito.
By Jaymark Dagala