Sa huling bahagi ng Hunyo o unang bahagi pa ng Hulyo sisimulan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ang pamamahagi ng second tranche ng fuel subsidy sa mga PUV operator at driver.
Ayon kay LTFRB Executive director Tina Cassion, inihahanda na nila ang mga dokumento para sa pamamahagi ng panibagong 6,500 peso fuel subsidy sa bawat benepisyaryo o kabuuang 5 billion pesos.
Noong nakaraang linggo anya ay wala pang 5,000 sa 377,000 benepisyaryo ang hindi pa nakatatanggap ng unang tranche ng fuel subsidy.
Nilinaw naman ni Cassion na ang tatanggap ng ikalawang bugso ng ayuda ay kapareho nang tumanggap ng unang tranche.
Hindi naman idinetalye ng LTFRB official ang dahilan ng bahagyang pagkabalam ng pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayuda.