Malabo pang maipatupad ng Social Security System (SSS) ang second tranche ng pension hike sa susunod na taon.
Ayon kay President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, posibleng magkaroon ng negatibong epekto sa fund life ng SSS kung magdadagdagan ng P1,000 kada buwan ang pensyon.
Ani Ignacio, isa sa requirement para sa implementasyon ng pension hike ay ang pagkakaroon ng matatag na pondo alinsunod sa itinatakda ng batas.
Sinabi ni Ignacio, kasalukuyan ay mahigit ang ginagawa nilang pangangasiwa sa pondo dahil lumiliit ang kontribusyon ng mga miyembro.
Magugunitang, isang resolusyon ang inihain ni Senior Citizen Party-List Representative Rodolfo Ordanes na nananawagang ilabas na ang P1,000 kulang sa ipinangakong P2,000 dagdag sa pension ng mga SSS pensioner.