Pinaghahandaan na ng economic development cluster ang posibilidad na magkaruon ng second wave ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa katunayan ipinabatid ni Budget Secretary Wendel Avisado na binabalangkas na nila ang mga plano sa pondong maaaring gamitin ng gobyerno kapag lumubo pa ang kaso at death toll COVID-19.
Sa ilalim ng P4-1-T national budget ngayong taon sinabi ni avisado na P397-B ang maaaring galawin ng pamahalaan para sa COVID-19 response subalit nasa P352.7-B na ang nagagastos sa laban kontra sa nasabing virus.