Inaasahang darating sa bansa ang 3.2 milyong Johnson and Johnson vaccine ng Hulyo 19.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang J&J vaccine doses ay donasyon mula sa Estados Unidos sa pamamagitan ng CoVax facility.
Sa laging handa forum, sinabi ni Cabotaje, gagamitin ang naturang bakuna sa mga senior citizen at may mga comorbidites na nasa malalayong lugar.
Dagdag ni Cabotaje, hindi tulad ng ibang brand ng bakuna, ang J&J vaccine ay single-dose vaccine.
Aniya, ang bakunang mula sa donasyon ng Japan sa NCR plus 8 kung saan 1.5 milyong doses ay para sa ikalawang-dose habang ang natitirang doses ay ipamamahagi sa ilang lugar sa bansa.
Bukod dito, sinabi ni Cabotaje na ipamamahagi rin ang mga bakuna sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi, kung nakitaan ng pagtaas ng kaso ng Delta variant dahil malapit sa bansang Malaysia at Indonesia.
Target na mabakunahan ng bansa ang mahigit 50 milyong indibidwal bago matapos ang taon.