Tatlo punto tatlong (3.3) milyon katao ang namamatay kada taon dahil sa polusyon sa hangin.
Ito ang lumabas sa pag-aaral ng mga dalubhasa na inilathala sa Journal Nature kung saan binanggit na ito’y dulot ng pangmatagalang paglanghap ng mala-alikabok na dumi sa hangin.
Ayon sa mga researchers, 75 percent o mayorya umano ng mga namamatay ay dulot ng stroke at atake sa puso habang ang iba naman ay dahil sa respiratory diseases at kanser sa baga.
Sinabi naman ni Jos Lelieveld, co-author ng naturang journal, na ang smoldering cooking at heating fires sa india at china ay pangatlo sa mga sinasabing nagdudulot ng outdoor pollution.
Lumilikha rin umano ng outdoor air pollution ang matinding traffic sa Amerika, at paggamit ng mga fertilizer sa Russia.
By Jelbert Perdez