Tumama na sa mainland ng Florida ang mata ng hurricane Irma.
Bagamat ibinaba na ito sa category two, taglay ng bagyo ang lakas ng hanging nasa 169 na kilometro kada oras.
Ayon sa ulat, nasa 3.4 na milyong bahay sa Florida ang walang suplay ng kuryente habang malaking bahagi ng lungsod ang lubog sa baha.
Matatandaang unang nanalasa sa Caribbean ang hurricane Irma na kumitil sa buhay ng 28 tao.
Samantala, tinatayang nasa mahigit 6 na milyonng tao naman sa Florida ang napilitang lumikas dahil sa bagsik ng bagyong Irma.
—-